FANDOM


Paglilinaw Ang pahinang ito ay tumutukoy sa karakter, kung hindi ito ang pahinang hinahanap mo, mangyaring tingnan ang disambigwasyon.

Si Ace Savvy (tunay na pangalan: Spade Nifty) ay isang pangatlong karakter ng The Loud House. Siya ay isang piksyonal na superhero na nilikha ni Bill Buck at ang paboritong superhero ni Lincoln. Siya rin ay madalas na inilalarawan ni Lincoln.

Biograpiya

Ayon kay Lincoln sa "Sleuth or Consequences", si Ace ay ang "the world's savviest crime fighter ever". Siya ay isang tao ng ilang salita, at kaunting emosyon, na nakikipaglaban para sa katarungan. Tila na siya ay may sobrang lakas, at ang kakayahang lumipad.

Gumagamit siya ng isang deck ng mga baraha bilang kanyang armas, na ginagamit niya upang tawagan ang kanyang buong deck ng superfriends. Kabilang sa kanyang deck ang kanyang mapagkakatiwalaang sidekick na tinatawag na One-Eyed Jack.

Hitsura

Orihinal

Si Ace ay isang maskuladong lalaki na may puting balat. May maikling morenong buhok na may mga pirasong buhok na nakakabit sa kanyang noo. Ang kanyang costume ay tulad ng isang tipikal na superhero costume: isang pulang damit na walang manggas at shorts, isang dilaw na sinturon, at isang asul na amerikana. Sa kanyang dibdib ay may itim na ispada na may "A" sa loob nito, na simbolo niya. Mayroon din siyang isang itim na pulseras sa bawat punyos.

Sa "Deuces Wild!", siya ay sumuot ng isang pula at mahabang manggas na shirt at pantalon, at sa halip na itim, ang kanyang mga pulseras ay ginto. At saka, sa halip na magkaroon ng morenong buhok, siya ay may buhok na dilaw.

Alternatibo

Si Ace ay nagsuot ng pula at mahabang manggas na kasuotang hakab, isang itim na maskara, gintong pulseras, at isang asul na kapa.

Mga pagpakita

Season 0

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • Ang kanyang pisikal na hitsura at kasuotan ay maaaring inspirasyon ng DC Comics superhero na si Superman.
  • Siya rin ay maaaring inspirasyon ng iba pang DC Comics superhero na si Batman, dahil sa mga sumusunod:
    • Pareho ang kanilang personalidad, at sinusuportahan ng isang sidekick.
    • Si Ace ay itinuturing na "the world's savviest crime fighter", habang si Batman ay itinuturing na "the world's greatest detective".
  • Siya at ang kanyang temang-barahang koponan ay hindi lang batay sa DC Comics supervillain team na Royal Flush Gang, pati ang Marvel Comics X-Man si Gambit, kasi ginagamit and mga Cards bilang armas.
  • Sa "Read Aloud", inihayag dito ang kanyang totoong pangalan.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.