![]() |
Ang pahinang ito ay tumutukoy sa lugar, kung hindi ito ang pahinang hinahanap mo, mangyaring tingnan ang disambigwasyon. |
Ang Bahay ng mga Loud (ing. Loud House; 1216 Franklin Avenue, Royal Woods, Michigan) ang tahanan at tirahan ng pamilyang Loud. Ito ang pangunahing setting ng serye, ang karamihan sa mga episode ay nagaganap dito.
Deskripsyon[]
Ang panlabas ng bahay ay pininturahan puti, na may itim na bubong, isang portiko sa harapan, isang tsiminea na tumatakbo sa kaliwang bahagi ng bahay, at isang garahe sa kanang bahagi. Ang mga pader ng silong ay gawa sa mga pulang brick.
Ang bahay ay naghihirap mula sa presyur ng tubig, mga malangitngit na floorboards, kahoy na nabubulok, isang pugon na wala na sa panahon, lawse na signal ng TV, mga sirang doorknob na madaling matanggal, sirang meylbaks, at isang sirang doorbell.[2]
Mga naninirahan[]
Tribya[]
- Ang bahay ay inspirasyon ng tahanan ng pagkabata ni Chris Savino. Ang address ng bahay (1216) ay katulad ng address kung saan siya lumaki. Gayundin, ang bumerang at frisbee sa bubong ng bahay ay base sa mga maraming laruan at ang mga bagay na tinapon ng pamilya ni Savino sa bubong ng kanilang bahay.
- Dahil sa maraming mga kalokohan at kalituhan ng mga bata, ang bahay ay bahagyang, o lubos na nawasak ng maraming beses.
- Ang bahay ay malapit sa barbershop at simbahan.
Mga reperensya[]
- ↑ Ang unang liham sa "It's a Loud, Loud, Loud, Loud, House"
- ↑ Mga ikinuwento sa "Homespun"