FANDOM


Si Chandler McCann ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Si Chandler ay ang anak ng isang trabahador ng sewage plant. Pumupunta siya sa parehong paaralan tulad ni Lincoln at Clyde, ngunit hindi siya kanilang kaklase. Isa siya sa mga popular na estudyante sa paaralan.

Ginawa niya ang kanyang debut sa "The Waiting Game". Magkakaroon siya ng birthday party, kaya iniimbitahan niya ang bawat bata sa paaralan, maliban kay Lincoln at Clyde. Nang natuklasan niya si Lincoln ay tumanggap ng libreng pagkain at mga token sa pizza arcade salamat ito kay Lori, siya ay nagsimulang makinabang sa kanyang sarili mula kay Lincoln, na humihingi sa kanya kung maaari niyang bigyan siya ng libreng mga bagay. Pagkatapos makagawa si Lincoln ng maraming pabor, inimbitahan ni Chandler siya at si Clyde sa kanyang party, ngunit din pinilit ito si Lori na mag-overtime dahil sa lahat ng mga libreng bagay na ibinigay ni Lincoln sa kanya, at na siya ay hindi makaabot sa sayaw. Sa katapusan, nagpasiya si Lincoln na i-cover niya si Lori upang makapunta sa sayaw at pagkatapos humingi ng paumanhin at sinabi sa kanya na hindi kanyang kaibigan si Chandler dahil ginagamit lang siya.

Gumawa siya ng cameo sa "Shell Shock", kung saan naisip ni Lincoln si Ronnie Anne na mag-prank kay Chandler gamit ang kanilang itlog. May isang natanggal na eksena mula sa produksyon ng episode na nagpakita kay Ronnie Anne na pag-prank kay Chandler sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang mga sintas.

Si Chandler ay nagkaroon ng prominenteng tungkulin sa "Jeers for Fears", kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Trent at Richie, na nagplanong pumunta sa Royal Woods House of Terror. Naniwala si Chandler na sina Lincoln at Clyde ay masyadong takot na bisitahin ang atraksyon sa kanilang sarili, ngunit nang sinabi ni Lincoln na siya at si Clyde ay nag-iisip na pumunta mismo doon, si Chandler ay nagpasyang sumama. Nang magtungo sila sa House of Terrors, gayunpaman, si Chandler at ang kanyang dalawang kasamahan ay ang mga unang tumakbo palabas, dahil napansin nila na sila ay natatakot ng House of Terrors. Nakita ni Chandler na matagumpay na nakalabas sila Lincoln at Clyde sa House of Terrors (walang alam na ang pares ay talagang kasing takot sa kanya), at nag-aalala na baka sila ay mapahiya sa eskwelahan. Ngunit sinabi sa kanya nina Lincoln at Clyde na hindi nila gagawin iyan sa kanya, at bilang resulta, binigyan sila ang respeto niya.

Personalidad

Si Chandler ay isang mapanglibre, at isang mapagmataas na batang lalaki. Inimbitahan lamang niya si Lincoln at Clyde sa kanyang birthday party dahil binigyan nila siya ng libreng bagay sa pizza arcade, at hindi dahil gusto niya sila bilang mga kaibigan. Hindi rin niya tinawag si Lincoln ng kanyang tunay na pangalan, sa halip ay tinatawag niya siyang "Larry". Siya ay parang napakapopular sa paaralan, nang lahat ng mga bata ay nasasabik na malaman kung sino ang dadalhin sa kanyang party.

Hitsura

Si Chandler ay isang taong mapula ang buhok na may puting balat, at hairstyle na katulad kay Luna. Tulad kay Lincoln, mayroon siyang mga pekas sa kanyang mga pisngi. Nagsusuot siya ng berdeng shirt na may mahabang puting manggas, na may naka-print na isang asul na gear, itim na pantalon na may itim na sinturon, at puting snikers na may berdeng strayps.

Sa "Shell Shock" at "Jeers for Fears", ang kanyang shirt ay dilaw.

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.