FANDOM


Si Christopher Mason "Chris" Savino ay isang dating storyboard artist, manunulat, prodyuser, at direktor. Siya ang tagalikha ng The Loud House. Siya ay ipinanganak sa Royal Oak, Michigan, na tinatawag ding Royal Woods, ang lungsod kung saan ang The Loud House ay gumaganap bilang isang parodya.

Biograpiya

Si Savino ay nagsimula sa animasyon bilang isang layout artist sa The Ren & Stimpy Show noong 1991. Siya ay mamayang nagtrabaho bilang isang karakter at taga-disenyo ng prop sa Rocko's Modern Life ng Nickelodeon noong 1993, at mula noon ay nagtrabaho bilang isang manunulat at direktor sa serye ng: Dexter's Laboratory, The Powerpuff Girls, Codename: Kids Next Door, Samurai Jack, My Life as a Teenage Robot, Foster's Home for Imanginary FriendsKick Buttowski: Suburban Daredevil, at My Little Pony: Friendship Is Magic.

Nagtrabaho siya sa Spümcø, Joe Murray Studios, Nickelodeon Animation Studios, Hanna Barbera, Cartoon Network Studios, at Disney Television Animation, siya ay nagtrabaho sa isang maikling live-aksyon short na tinatawag na Bigfoot & Gray: On the Run, at isang kanseladong animadong pelikula na tinatawag na Adventures in Milk.

The Loud House

Chris Savino Karikatura

Noong 2013, inilunsad ni Savino ang The Loud House, isang konsepto batay sa kanyang sariling karanasan sa buhay na lumalaki sa isang malaking pamilya (siya ang ikasiyam ng sampung anak), bilang bahagi ng anwal na Animated Shorts Program ng Nickelodeon. Bukod sa kanyang pangunahing trabaho, siya ay miyembro rin ng Artist Collective ng Nickelodeon Animation Studio, kung saan ang mga beterano ng industriya ng animasyon ay tumulong sa pagsasanay at pangangalaga ng bagong talento na dumating sa estudyo.

Bukod sa kanyang karaniwang mga tungkulin, siya din ang gumuguhit ng lahat ng title card art, at iba pang mga still-frame na mga larawan, na kung saan ay iginuhit sa isang mas magaspang na estilo kaysa natitirang bahagi ng palabas. Kinuha din niya ito sa kanyang sarili upang idirekta ang bawat episode ng serye hanggang sa kanyang pagtanggal sa panahon ng ikalawang season (maliban sa ilang mga okasyon).

Noong Oktubre 19, 2017, tinanggal siya ng Nickelodeon dahil sa mga alegasyong sexual misconduct (sekswal na maling gawain). Bilang resulta, hindi na siya kasangkot sa The Loud House.[1] Noong Oktubre 23, nagsalita si Savino sa unang pagkakataon simula nang lumitaw ang mga alegasyon, sinasabing siya ay "deeply sorry" para sa kanyang mga aksyon.[2]

Mga di-direksyon na episode

Kahit na pangunahing direktor si Chris Savino para sa serye, hanggang sa kanyang pagtanggal, nagkaroon ng mga panahon kung saan siya ay hindi ang direktor ng isang episode. Ang lahat ng mga episode na hindi direksyon niya ay sa halip direksyon ng pangunahing storyboard artist na si Kyle Marshall at tagakulay na si Amanda Rynda.

Mga di-direksyon na kredito

Season 0

Season 1

Season 3

Tribya

  • Tulad kay Lincoln, si Savino ay nagmula sa isang malaking pamilya, siya ang ikasiyam ng sampung anak (limang lalaki at limang babae).
  • Lima sa magkapatid na babaeng Loud ay pinangalanang pagkatapos sa mga kapatid ni Savino. Sila ay sina Lori, Lisa, Lynn, Luan, at Lana.[3] Lahat sila ay may gitnang pangalan na Marie.[4]
  • Sina Luna at Lola ay pinangalanang pagakatapos ng dalawang dachshund, mga alagang hayop ni Savino.
  • Ang pangalang Lucy at Lily ay ang dalawang pangalan plinano ni Savino at ang kanyang asawa, na si Bethany, kung magkaroon sila ng mga anak na babae. Mayroon silang tatlong anak na lalaki ngunit walang anak na babae, ang mga pangalan nila ay Vincent, Nick, at Chris Jr.
  • Si Savino ay ang nagpangalan kay Lincoln pagkatapos ng kalye na lumaki siya bilang isang bata, na pinangalanang E Lincoln Ave.[3]
  • Ayon kay Savino, ang kanyang personal na paboritong episode ng serye ay "For Bros About to Rock".[5]
    • Gayundin, ayon kay Savino, si Luna ang paborito niyang karakter.
  • Bilang isang bata, masaya si Savino sa pagnood ng Looney Tunes, Underdog, Popeye, at lahat ng palabas ni Jay Ward tulad ng Rocky and Bullwinkle.[6]
  • Si Savino ay ang pangalawang empleado ng Nickelodeon na pinatanggal sa publiko mula sa Nickelodeon, ang una ay ang tagalikha ng The Ren & Stimpy Show na si John Kricfalusi, na pinatanggal noong 1992 dahil sa "creative differences" (pagkakaibang malikhain) kay Nickelodeon sa ipinagbawal na episode ng The Ren & Stimpy Show na "Man's Best Friend", na nagtatampok ng isang eksena kung saan si Ren Hoek ay binugbog si George Liquor gamit ang isang sagwan, pati na rin ang isang tao na isang bangungot na kasamang magtrabaho, at nabigo upang matugunan ang mga deadline.
    • Pagkatapos na matanggal sa Nickelodeon, na deactivate niya ang kanyang iba't ibang mga account sa sosyal midya, na kasama ang kanyang Instagram account.
    • Noong Oktubre 23, 2017, nagbukas si Savino ng isang Facebook account upang ihayag sa publiko ang kanyang paghingi ng tawad tungkol sa mga alegasyon.
  • Noong 2017, ang kanyang asawa, si Bethany, ay nagdiborsyo sa kanya pagkatapos na siya ay pinatanggal mula sa palabas dahil sa mga sekswal na alegasyon at hindi naaangkop na asal sa mga babaeng empleado at sa maraming industriya. Kaya pagkatapos ng diborsiyo, sinabi ni Bethany sa Instagram na ngayon ay inaalagaan niya ang tatlong anak nila.

Mga reperensya

T - U - B Tripulante
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.