FANDOM


Paglilinaw Ang pahinang ito ay tumutukoy sa komiks, kung hindi ito ang pahinang hinahanap mo, mangyaring tingnan ang disambigwasyon.
Deuces Wild! (komik)

Ang Deuces Wild! ay isang mini-komik na batay sa The Loud House. Ito ay ibinigay na libre at eksklusibo sa San Diego Comic-Con 2016.

Ang kwento ay isinulat nina Chris Savino at Karla Sakas Shropshire, iginuhit nina Savino at Jordan Rosato, kinulay ni Amanda Rynda, at ang dalawang cover ay iginuhit nina Miguel Puga at Jared Morgan. Na-print ito muli sa ikalawang isyu ng Nickelodeon Pandemonium pati na rin sa komik ng Free Comic Book Day Loud House.

Sinopsis

Sina Lincoln at Clyde ay nakakuha ng pinakabagong isyu ng Ace Savvy, at hindi kayang maghintay na basahin ito. Gayunpaman, bago sila magsimulang magbasa nito, may isang masamang amoy na pumasok, at pumasok mismo sa ilong ni Clyde. Nagpasya si Lincoln na kailangan nila pangasiwaan nito ng kanilang mga sarili sa paraan nina Ace Savvy at ang kanyang partner One-Eyed Jack na pangasiwaan ito.

Nang linikha sa isip nina Lincoln at Clyde ang kanilang sarili bilang Ace at Jack, napansin nila ang isang bakas ng ilang uri ng bukol, at malapot na daloy, at sinusundan ito upang malaman na ang pinagmumulan ng baho ay isang higanteng usog na halimaw. Sinubukan nilang labanan ito, ngunit walang saysay, dahil literal silang lumagos nito. Nang tila ang dalawang batang heroes ay tiyak na mapapahamak, si Ace tumawag ng backup sa kanyang buong deck na binubuo ng mga sumusunod na mga heroina:

Ang natitirang bahagi ng deck ay dumating sa tamang oras upang matulungan sina Ace at Jack kasama ang kanilang mga kakayahan, at i-seal ang halimaw.

Sa totoo lang, lumabas na ang baho ay mula kay Lily, na nangangailangan ng pagbabago ng diaper. Sa sandaling iyon, sinabihan sila ng kanilang ina na itapon ang basura. Inihanda ang deck upang labanan ang isang bagong pagbabanta: isang halimaw na basura.

Tribya

  • May isang maikling episode na batay sa kwento na na-upload sa YouTube tsanel ng Nickelodeon sa Hulyo 21, 2017.
  • Ito ang ikalawang pagkakataon na sina Lincoln at Clyde ay nag-roleplay bilang Ace Savvy at One-Eyed Jack. Ang una ay nasa "Sleuth or Consequences".
  • Ang mga halimaw ay mukhang katulad kay Trashy.
  • Si Lily lang ang hindi nagkaroon ng isang superhero alter-ego, dahil siya ang lumikha ng halimaw, kahit na hindi sinasadya.
  • Nagpakita muli ang kanilang mga superhero alter-ego sa episode na "Pulp Friction".
    • Sa parehong episode, ang superhero alter-ego ni Lily, na tinatawag na ang Deuce, ay gumawa ng kanyang debu.

Mga pangkulturang reperensya

  • Ang komik ay nagbabahagi ng parehong titulo gaya ng 2002 na pelikula na may parehong pangalan.
  • Sina Ace Savvy at ang kanyang deck ay isang inspirasyon ng superbilyanong koponan ng DC Comics na Royal Flush Gang.
  • Ang suit ng High Card ay katulad ng suit ng DC heroina na si Ice.
  • Ang kasuotan ng 11 of Hearts ay katulad sa kasuotan ni Ms. Marvel Carol Danvers, at ang orihinal na kasuotan ni Sharon Ventura.
  • Ang meykap ng Night Club ay batay sa meykap ng bandang KISS.
  • Ang Joker ay ang pangalan din ng ark-nemesis ng DC superhero na si Batman.
    • Gayunpaman, ang kasuotan ay katulad ng kay DC bilyano na si Harley Quinn.
  • Ang Strong Suit ay batay sa DC superbilyano na si Sportsmaster.
  • Ang kasuotan ng Eight of Spades ay parang inspirasyon ng DC superheroina na si Raven mula sa Teen Titans.
  • Ang kasuotan at armas ng Royal Flush ay parang inspirasyon ng Marvel superhero na si Thor.
  • Ang kasuotan ng Queen of Diamonds ay parang inspirasyon ng kasuotan ni Star Sapphire.
  • Ang kasuotan ng Card Counter ay katuland ng DC bilyano na ang Riddler, ang kaaway ni Batman.


T - U - B Mga Merkansya
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.