FANDOM


Si Dr. Lopez ay isang hindi nakikitang karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Siya ay ang terapista ni Clyde, na tumutulong sa kanyang pagkahumaling kay Lori. Tinutulungan din niya si Howard at Harold McBride sa kanilang relasyon, at sadyang hindi siya ipinapakita sa screen.

Unang nabanggit ni Harold McBride si Dr. Lopez sa "Overnight Success". Nang nagdadalawang isip si Howard na payagan si Clyde ng tumulog ng isang gabi sa bahay ni Lincoln, ipinaalala ni Harold si Howard tungkol sa hinihikayat ni Dr. Lopez sa "paglelet-go".

Sa "Two Boys and a Baby", binanggit ni Clyde na may malawak na seleksyon si Dr. Lopez ng mga magasin at libro sa kanyang lobby. Siya ay partikular na interesado sa mga libro tungkol sa kung paano mag-alaga sa mga sanggol. Apat na mga titulong libro ay ang Food for Tot, NapQuest: The Impossible Journey, Take a Walk on the Child Side, and Oopsie, My Baby Made a Poopsie.

Sa "Save the Date", nahihirapan si Clyde matapos makitang magkasama sina Lori at Bobby. Tinawag niya si Dr. Lopez, na sinasabi sa kanya na ito ay isang "Lori emergency", ngunit natigilan siya ni Lincoln. Tinawag muli siya ni Clyde sa dulo ng episode.

Iba

Ayon sa kanyang bio, ang ideya ni Clyde ng isang perpektong araw ay may kasamang ang isang zombie movie marathon kasama si Lincoln, isang piknik kasama sina Howard at Harold, at isang dobleng-sesyon kasama si Dr. Lopez.

Binanggit siya sa isa sa mga quote ni Clyde sa The Loud House Cartoon Creator.

Hitsura

Clyde as Dr. Lopez

Si Clyde bilang si Dr. Lopez.

Kahit na hindi ipinakita kung ano ang hitsura ni Dr. Lopez, si Clyde ay nagsuot ng kanyang damit sa "Brawl in the Family" at binibigyan ang mga manonood ng ideya kung paano siya nagsusuot. Sa paghuhusga sa kanyang kasuotan, nagsuot siya ng mga morenong sapatos, berdeng amerikana, at isang dilaw na scarf.

Mga pagbanggit

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • May isang running gag ay hindi ipinapakita si Dr. Lopez sa screen.
  • Ang mga artikulo mula sa Digital Spy, Christian Today, at Christian Post ay binanggit si Dr. Lopez sa mga review ng "Overnight Success".
  • Sa "ARGGH! You for Real?", ipinahayag na siya ay may-asawa, o nasa relasyon sa isang lalaki na nagngangalang Robert, at maaaring naglulutas sa kanilang mga isyu.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.