FANDOM


Si Fenton the Feel-Better Fox (kilala rin bilang The Demon Toy) ay isang laruan na dating pag-aari nina Lori at Lily.

Deskripsyon

Si Fenton ay orihinal na laruan ni Lori noong siya ay isang sanggol, at mamaya ay naka-imbak sa attic. Pagkatapos ay ipinasa si Fenton kay Lily upang pigilin ang pag-iiyak niya. Natakotan agad si Lynn Sr. at Rita sa pagtuklas nito, habang naalaala nila ang mga bangungot na ibinigay sa kanila ng kanta ng laruan noong isang sanggol pa si Lori. Di nagtagal ang sunod-sunod ng pagkanta ay ipinag-inisan ng magkapatid maliban kay Lily. Mamaya ay ipinagambala nila siya at nagpunta sa isang dumpster upang itapon si Fenton. Kinabukasan, si Lily ay nalulungkot dahil na-miss niya si Fenton, kaya nagpunta ang mga kapatid sa paghahanap sa dumpster, ngunit wala si Fenton. Mamaya ay nagtungo sila sa dumpsayt upang makuha si Fenton, ngunit huli na, dahil nasira na si Fenton. Kaya pagkatapos, si Lincoln ay nagsuot bilang si Fenton at sumayaw sa harap ni Lily, habang si Luna ay nagkanta. Sa bandang huli ay sinabi ni Lincoln na maaari nilang kantahin ang kanta para sa natitirang buhay nila, ngunit ginawa nila ito upang mapasaya nila ang kanilang kapatid. Nang bumalik sa bahay ang mga magulang mula sa pamimili at nakita ang mga bata na kumanta at si Lincoln sa kanyang kasuotan, sila ay tumakbo palayo sa takot.

Tribya

  • Mukhang katulad ni Fenton si Foxy mula sa sikat na prangkisiyang larong Indie, na Five Nights at Freddy's.
  • Ang pangalang "Fenton" ay isang malinaw na parodya sa uri ng hayop na tinatawag na fennec fox.
  • Ayon kay Rita, dahil sa pag-kanta ni Fenton ay halos mabaliwan siya at ni Lynn Sr., halos na hindi magkaanak sila muli, na kung saan ay maiiwan na lamang si Lori bilang nag-iisang anak.


T - U - B Mga Bagay
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.