FANDOM


Si Flat Tire ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Si Flat Tire ay isang miyembro ng lokal na gang ng bisekleta. Sa una ay nagtangkang ilarawan niya ang minanang bike ni Lincoln sa "Hand-Me-Downer", pero nabigo siya.

Nagpakita din siya sa "Lincoln Loud: Girl Guru", bilang isa sa mga lalaki na naghahanap ng payo tungkol sa mga babae mula kay Lincoln upang mapabilib ang isang babae na nagngangalang Mollie. Sinaggest ni Lincoln kay Flat Tire ay dapat dalhin si Mollie sa isang punerarya, sa tingin niya ito ay ang kagustuhan ni Lucy. Nakita ulit siya sa ibang pagkakataon na tanungin niya si Mollie, at sa huli ay tinanggihan siya dahil sa pagkasuklam. Si Flat Tire ay tumingin kay Lincoln dahil sa payo niya.

Gumawa siya ng isang cameo sa "The Price of Admission" kasama sina Papa Wheelie at Rusty, upang panoorin ang The Harvester.

Hitsura

Si Flat Tire ay may puting balat, mga pekas, at morenong buhok. Sumusuot siya ng dilaw na t-shirt, asul na pantalon, at isang lilang helmet pang-bisikleta na may simbolong bituin sa harap. Ang kanyang mga mata ay nakatago sa pamamagitan ng kanyang buhok.

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Tribya

  • Ang tunay na pangalan ng karakter na ito ay hindi ipinahayag. Ang kanyang alyas ay isang reperensya sa isang walang hangin na gulong ng bisikleta dahil ang unang episode siyang nagpakita ay tungkol sa mga bisikleta.
  • Siya, kasama sina Mick Swagger, Hank, Amy, at Lucy (at ang kanyang lalaking katapat na si Lars) ay ang tanging mga karakter na may takip sa kanilang mga mata.
  • Nagpakita siya sa Ace Savvy on the Case.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.