FANDOM


Si Fritz ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Siya ay isang repairman na nagtatrabaho sa Royal Woods Spa.

Siya unang nagpakita sa "Suite and Sour". Nang sirain nina Lynn at Lana ang dalawang elevator ng hotel, tinawagan si Fritz upang ayusin ang mga ito. Habang naglalakad patungo sa mga elevator, hindi sinasadyang binangga siya ni Lincoln, at nawala ang kanyang ID, na mamaya ay natagpuan ni Leni. Habang nag-aayos siya ng mga elevator, sinubukan ni Luan na pasayahin siya sa kanyang jokes, ngunit hindi niya pinansin ang lahat. Matapos niyang maayos ang mga elevator, sinabihan niya si Luan na umalis.

Personalidad

Si Fritz ay madaling inisin, tulad ng nakikita nang disturbohin siya sa jokes ni Luan. Siya ay ipinakitang malilimutin din, nang hindi niya napansin nang nawala niya ang kanyang ID.

Hitsura

Nagsusuot siya ng asul na sumbrero, at mayroong isang morenong hugis-manibelang bigote. Mayroon siyang kulay-abong sweatshirt na may itim na elbow pads. Ang kanyang t-shirt ay isang mas malalim na lilim ng kulay-abo kaysa sa kanyang sweatshirt. Sa ilalim ng kanyang sweatshirt, nagsusuot siya ng puting undershirt. Ang kanyang buhok ay bahagyang pakalbo. Nagsusuot siya ng isang kulay-abong sinturon na may kasamang mga morenong bulsa. Mayroon siyang morenong sapatos na may itim na mga sintas at mga maikling takong.

Tribya

  • Mukhang may pagkatulad si Fritz kay Mario.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.