FANDOM


Si Griselda ay isang pangatlong karakter ng The Loud House. Siya rin ay isang piksyonal na karakter mula sa "The Vampires of Melancholia".

Biograpiya

Si Griselda ay isang bampira mula sa seryeng "The Vampires of Melancholia", at kasintahan ni Edwin. Siya ay unang nabanggit mula sa isang seryeng libro ng parehong pangalan, at pagkatapos sa isang seryeng pantelebisyon batay sa mga libro.

Hindi niya gusto kapag di pinapansin siya ni Edwin, kaya nag-date siya ng isang werewolf upang mapagselosin si Edwin. Bumalik siya sa kanya matapos niyang matuklasan na siya ay allergic sa buhok ng lobo.

Sa "Fandom Pains", ginawa niyang bampira si Tristan at dinala siya pabalik kay Edwin.

Hitsura

Sa "Spell It Out", ipinakita ang kanyang pisikal na anyo. Siya ay isang matangkad na babae, na may payat na pustura, mahabang morenong at maalong buhok, maputlang balat, at tatlong pares ng mga pilikmata.

Siya ay may pulang lipstick, at nagsusuot ng mga puting hikaw, at isang mahabang pulang damit, na may disenyo ng ika-17 siglo.

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • Siya ay batay sa kay Bella Swan mula sa seryeng Twilight.
  • Ang kanyang mga hikaw ay katulad ng kay Lori.
  • Ang kanyang aktres na si Jill Talley, ay boses din ni Rita.
  • Ipinakita ito sa "Fandom Pains" na siya ay ginanap ni Kate Kaktus.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.