FANDOM


Si Hugh ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Siya ay isang estudyante mula sa isang kolehiyong komunidad sa Royal Woods, at ay Britong pinagmulan, na posibleng nagpapahiwatig na siya ay isang dayuhang estudyante mula sa Inglatera.

Personalidad

Siya ay mabait, magalang, at kaakit-akit na binata, na nagsasalita sa isang Briton na aksent. Tintratu niya si Lincoln ng kabaitan, at higit pa sa handang tumulong sa kanya sa kanyang takdang aralin. Tinulungan pa niya ang mga kapatid ni Lincoln nang hilingin nila ito, hindi alam na sila pala ay sumusubok na kuhain ang kanyang pansin. Siya ay tilang konserbatibo, tulad nang hiniram siya ni Lisa upang turuan si Lola tungkol sa anatomya ng tao, at ipinakita ang kanyang anim na pakete, na kung saan siya ay napahiya. Mas napahiya pa siya nang sinubukan ni Lisa na ipakita sa kanya ang kanyang puwit. Tilang hindi siya nakakaalam na siya ay gwapo, o kung gaano siya kaakit-akit, habang siya ay nerbiyos nang mga kapatid na babae (maliban kay Lily) ay nagsisikap na magka oras sa kanya, o maging mas agresibo na palibutan siya, o habulin siya. Kahit na hindi siya nagagalit, ngunit nerbiyos at natatakot, nagpapahiwatig na siya ay mahiyain at may pasensyang tao.

Hitsura

Siya ay isang gwapong binata, na may morenong buhok, nagsusuot ng pink na nakabutones na shirt, na may isang asul na dyaket na nakatali sa kanyang leeg, puting pantalon, at morenong sapatos. Siya ay matangkad, na may payat na maskuladong katawan, at ipinakitang may anim na pakete.

Tribya

  • Marahil ay batay siya sa isang British na aktor na si Hugh Grant.
  • Ipinakita siya na sumasakay ng isang Penny Farthing, o mataas na wiler, habang tumatakbo palayo sa mga kapatid na babae, ama, at mga alagang hayop ni Lincoln.
  • Ang lahat ng pamilyang Loud ay gustong-gusto sa charms ni Hugh hindi kasama si Lincoln, Rita, Lily, at Geo (si Lincoln lang ay naroroon sa episode).


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.