FANDOM


Stub Ang pahinang ito ay isang stub. Mangyaring tulungan ang Wiki ng The Loud House sa pagpapalawak nito. Salamat!

Si Katherine Mulligan ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Sa "Butterfly Effect", iniulat niya ang lahat ng uring aktibidad na nagaganap sa mga kapatid ni Lincoln matapos ang mga pangyayari na humantong sa pagbagsak ng pamilya. Tinanong niya si Lisa para sa mga komento tungkol sa kanila, at ipinahayag ni Lisa na alam niya ang tungkol sa mga ito dahil sila ay mga kapatid niya, at pagkatapos, nagtatanong siya kung saan nagkamali ang lahat. Sinubukan ni Flip na itigil ang interbyu nang tanungin niya kung bakit tinanggap niya si Lisa upang magtrabaho sa kanyang istasyon, ngunit hindi bago i-endorso ang kanyang mga produkto. Subalit ito ay lahat na pantasya ni Lincoln, kaya hindi ito nangyari.

Muling nagpakita siya sa "Out on a Limo", kung saan nais niyang i-interbyu si Lincoln para sa pagsakay sa kanyang limo. Tinanong niya sa kanya kung paano siya naging napakahalaga, at hindi alam ni Lincoln kung paano isasagot na dahil siya ay nanalo lamang ng limo sa isang araw sa isang mustard jar contest. Mamaya ay siya'y nag-ulat tungkol sa kanyang pagbagsak pagkatapos niyang mawalan ng limo kung saan si Lincoln ay umamin na inisip niya na mas mahalaga siya kaysa sa iba pa upang ihayag na siya ay isang bata lamang na kumain ng mustard. Siya ay humingi ng isang biyahe sa bahay, ngunit ang reporter tumanggi at lumayo.

Nagpakita din siya sa "The Loudest Yard", kung saan nais niyang makipag-usap kay Lincoln tungkol sa kanyang paglaro, ngunit dahil sa lahat ng oras na ito ay talagang lihim na naglalaro si Lynn sa kanya, ginawa lamang niya ang isang komento. Nais ng coach ng Royal Woods Roosters na makuha niya ang kanyang cameraman upang i-shoot ang kanyang mga pose.

Sa "Snow Bored", nakita siya sa TV kasama si Tucker.

Sa "Future Tense", nag-uulat siya tungkol sa pamilyang Yates na nagliligtas ng mga pagong.

Sa "Scales of Justice", ang kanyang buong pangalan ay ipinahayag, siya ay nag-cover sa isang kwento tungkol sa isang halimaw na ginawa ni Lana.

Personalidad

Si Katherine ay nagsasalita at kumikilos tulad ng isang estereotipikal na reporter, kahit off-camera pa siya. Lagi siyang naghahanap ng impormasyon at kahit anong mabalita na maaari niyang i-brodkast, at napaka-tuso dahil sa kanyang propesyon. Nag-iinterbyu siya sa mga tao tungkol sa kanilang mga sitwasyon, ngunit hindi nagpapakita ng anumang simpatiya kung sila ay nagdurusa. Nakaka-inis ang kanyang saloobin sa maraming tao.

Hitsura

Si Katherine ay may mahabang maitim na morenong buhok na nakataling ponytail, isang dilaw na headband, at mga puting hikaw. Nagsusuot siya ng isang dilaw na amerikana at kaparehong saya, isang puting t-shirt na may itim na kurbata, at itim na sapatos na high-heels.

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • Parang katulad siya kay Clare, pangunahing dahilan ay ang kanilang buhok at damit.
  • Ang kanyang mga hikaw ay parang katulad sa mga sinusuot ni Lola.
  • Siya ay katulad kay April mula sa Teenage Mutant Ninja Turtles ng 1987, dahil sa kanyang dilaw na trench coat at ang kanyang hairstyle.
  • Siya ay sanang magpapakita sa "Fandom Pains", ngunit na-cut siya dahil sa oras.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.