FANDOM


Transkrip Ito ang kumpletong transkripsyon para sa "Left in the Dark". Ang Wiki ng The Loud House ay nagpapasalamat sa mga nag-ambag.

Transkripsyon

Hunter Spector: "Naniniwala ba kayo sa multo? Samahan niyo ako, si Hunter Spector, ang mahusay at lider ng Academy ng Really Good Ghost Hunters, o ARGGH! Sa pagpasok ko sa pinakakatakot na lugar sa kahit kaninong bahay, ang basement! Tuwing Lingo, ikawalo ng gabi. Wag kalimutan, dahil baka kayo ay maiwan sa gitna ng dilim. ARGGH!"
Lincoln: [minarka ang kalendaryo] "Sa wakas, ito na yun, ang live season finale ng pinakamagandang palabas sa TV! [tumingin si Lincoln sa mga manonood] O sige, siguro nasasabi niyo sa mga sarili niyo 'Hingin ko imposible mapanood mo ang paboritong mong palabas sa TV kung may sampung kong kapatid na babae.' Well, siguro nga. Tuwing Sabado kasi ng gabi, yun ang nangyayari." [pumunta sa flashback ng mga kapatid na babae na nag-aaway dahil sa remote; tapos ang flashback.] "Pero ngayon, may maganda akong plano." [kinuha ang kanyang walkie-talkie] "Cadet Lincoln to Cadet Clyde, naririnig mo ba ako?"
Clyde: "Si Cadet Clyde ito, oo malinaw naririnig kita! Excited na ako! Sa wakas, mapapanood na natin ang ARGGH! ng sabay. Ibig kong sabihin, diyan ka sa inyo at dito ako sa amin diba?"
Lincoln: [sa mga manonood] "Dahil sa ilang pangyayari, naiisip namin na mas mabuting panoorin ang ARGGH! ng magkahiwalay. Malaki ang pagkagusto ni Clyde sa kapatid kong si Lori, nakakahiya naman yun."
Clyde: [tumitingin ng pagmamahal sa drawing kay Lori.] "Hubba hubba."
Lincoln: Clyde? Clyde? Naririnig mo ako?"
Clyde: "Uh, bilisin mo Lincoln, um, mag-aalas-otso na eh."
Lincoln: "Oras na para sa Operation Lituhin Ang Mga Kapatid Ko Para Akong Mauna sa TV at Mapanood Ko Ang Special Live Season Finale ng ARGGH! na Kailangan Kong Isipan ng Mas Maikling Tawag ang Operation ito."


Lana at Lola: [lumalabas ng kwarto nila] "Cartoons! Cartoons! Cartoons! Cartoons! Huh?"
Lincoln: "Tama ba ang pagkakarinig ko, may tea party?"
Lola: [nasasabik] "Salamat Lincoln!" [dinala ang gamit sa kwarto]
Lana: "Alam mo, hindi mo ako mapapasama sa mga ganyang party. Mas gusto kong magnood ng TV."
Lincoln: "Kahit na [nagpakita ng dalawang palaka] sabihin imbitado ang mga tulad nito."
[isang palaka nag-kokak]
Lana: [nasasabik] "Salamat Lincoln." [dinala ang palaka sa kwarto]
Lincoln: "Oy, Luan!"
Luan: "Pababa na ako para manood ng TV."
Lincoln: "Baka gusto mo kunin yung video camera mo. May pakulo na naman yung kambal."
[sina Lana at Lola nag-aaway]
Lola: "Hindi pwede! Hindi pwede!"
Luan: "Nako, intense na magiging viral 'to!" [bumalik sa kwarto niya para kunin ang video camera niya] "Salamat Linc!"
[nagsasakitan ang kambal]
[lumabas sina Lisa and Lily sa kanilang kwarto]
Lincoln: "Oy, Lisa! Wag kanang bumaba, iiwan ko na yung mga kailangang mong gamit sa baba."
Lisa: "Yung lactose, triticum prodium, sodium chloride crystals, sucrose, at galus galus ovum?"
Lincoln: "Ang ibig mong sabihin gatas, harina, asin, asukal, at itlog?" [hawak ang mga sangkap]
Lisa: "Kamatis para sayo, pero para sa akin solanum lycopersicum. Salamat." [dinala ang mga sangkap at bumalik sa kanyang kwarto]
Lynn: "Okay, two minutes nalang, game time na! Whoo!"
Lincoln: "Ah, sandali Lynn. Tingnan mo oh!" [nagpakita ng isang lumulutang na futbol] "Pinahanginan ko na yan para sa isang klaseng player na gaya mo."
Lynn: "Kung ganun para sa akin yan."
[si Leni ay papalapit]
Lincoln: "Uh, takbo ng malayo." [tunog ng silbato, si Lynn ay sumisikap na makuha ang bola] "Nako, tingnan mo Leni oh!"
Leni: "Bakit, may gagamba sa ulo ko?" [nagpaniko sa pagbalot ng kanyang buhok] "Alisin mo! Alisin mo! Alisin mo!"
Lincoln: "Nako, may insekto kapa sa butas ng ilong mo."
Leni: [tumakbo sa takot] "Halimaw na ako."
Luna: "Hey, bro! Matindi ang magiging rakrakan mamaya sa TV! [tinugtog ang kanyang gitara] "Yoh! Yoh!"
Lincoln: "O pwede ka magkaroon ng flashlight rock show sa kwarto mo." [naghawak ng isang multi-colored flashlight]
Luna: "Oy, ayus yan ah! Salamat Linc!" [kinuha ang flashlight at bumalik sa kwarto]
Lori: "May nakakita ba ang phone ko, kailangan ko i-tweet ang pang buhok ko!"
Lincoln: [kinuha ang phone sa bulsa niya at nagpindut ng ilang buton] "Oy, Lori! Lori, sandili, nakita ko na ang phone mo."
Lori: [kinuha ang phone niya] "Akin na nga yan!" [nagbilang pababa si Lincoln] "Diba sabi ko sayo wag mo pakikialaman ang gamit ko." [nag-ring ang phone] "Hello? Oo, ikaw pala Bobby. Hindi no, hindi ko sinabi tawagan mo ako, pero masaya ako tumawag ka." [tumingin kay Lincoln] "Salamat dahil sayo."
Lincoln: [nakitang tumutulog si Lily, inilagay sa basket, at hinalikan siya.] "At pang-sampy siya." [nag-slide sa hagdan at tumalon sa sahig; tumingin sa mga manonood] "Gaya ng sabi ko, maaaring hindi ako ang pinakamabilis at hindi ako ang pinakalakas, pero para magawa kong pigilan ang mga kapatid ko, kailangan ng magandang plano."
Lucy: "Nakalimutan mo ako."
Lincoln: "Eyahh!" [tunog ng organong tubo, bumagsak siya sa sahig matapos siyang gulatin ng kanyang kapatid] "Lucy! Lagi ko nakakalimutan si Lucy!"
Lucy: "Laging man ganun eh."
Lincoln: "Anong ginagawa mo rito?"
Lucy: "Ngayon ang unang gabi ng paborito kong palabas yung "Vampires ng Melancholia"."
Lincoln: "Pero ngayon din ang episode ng ARGGH! na tiyak na pag-uusapan sa school bukas. Panonoorin ko lang muna, sige na naman maganda kong kapatid, pwede ba?"
Lucy: "Pasensya na Lincoln, alam mo na ang rule. Ako ang nauna [sa mabagal na paggalaw] dito okay?"
Lincoln: "HINDIIIII!" [Tumingin sa remote at dinilaan ito] "Ah!"
Lucy: [naghahawak ng ibang remote] "Lumang remote natin yan na binato ni Lily sa kubeta."
[Nag-panik si Lincoln sa pagtanggal ng mga dumi at pagkatapos umiyak siya]
Lucy: Pasensya na, pero kailangan kong panoorin ang vampires. Ang husay kasing gumanap ni Edwin napaka-mysterious, sana lang nabuhay siya sa ibang panahon.
Lincoln: "Sa ibang panahon? Nako, sige lang Lucy, manood ka lang dito sa malaking nating colored TV. Doon lang muna ako sa luma at sinaunang black-and-white na TV ni Daddy."
Lucy: "Black-and-white ang paborito kong kulay"
Lincoln: "Ayus, mas maganda yun dahil mas nakakatakot ang dating ng panonoorin ko."
Lucy: "Gusto ko rin ng mas nakakatakot."
Lincoln: "Okay, mag-enjoy ka sa iyong vampire."
Lucy: "Teka, ako nalang sa lumang TV."
[Pumutol ang eksena sa kwarto ni Lucy kung saan si Lincoln ay nahihirapan sa pagdala ng lumang sa kama ni Lucy]
Lincoln: "Bakit ba ang bigat ng mga TV noong araw." [inilagay ito sa kama] "Oh ayan na, ngayon kailangan isaksak n-na-tin. Oh ngayon, pwede kanang malungkot, maging masaya, o kung anumang mararamdaman mo, hindi na ako maiiwan sa kadiliman ngayon. [Isinaksak ang TV. Nawala ang kuryente.]
Lucy: "Ano ba yan?"


[Karamihan sa magkapatid ay umungol pagkawala ng kuryente]
Lori: "Ano ba? Tama na nga yan! Kung pwede, kumalma muna kayong lahat!"
Leni: [nagpaniko] "Alam mo? Wala akong makita ng anuman, nabulag na yata ako!"
Lori: "Ano ka ba?! Hindi ka nabulag. Ano ba kasi nangyari?
Lincoln: "Sinasak ko lang yung lumang TV sa kwarto ni Lucy, tapos, bigla nalang nawala yung kuryente."
Lori: "Eh, ikaw yung pala ang may kasalanan eh."
[Lahat ng kapatid na babae ay nagreklamo sa ginawa ni Lincoln]
Luan: "Alam ko kung ba't nawala ang ilaw, kasi gusto nila ng isa't isa!" [tumawa habang ang ibang magkapatid ay hindi interesado] "Kuha niyo? Kuha niyo?"
Lisa: "Dahil dyan, meron kang cookie." [binigay siya ng isa]
Luan: "Oy, salamat." [kinain ito] Pero teka, ano sabi ng mga ilaw sa isa't isa?" [biglang nagsimulang lumiwanag]
[ang natitirang magkapatid ay sumingap]
Lincoln: "Nagliliwanag ka."
Luan: "May sinaba ba akong ganun?"
Luna: "Totoo dude, nagliliwanag ka!"
Luan: [napansin niya] "Oy, di ga-."
Lori: "Lahat kayo, lumayo kay Luan." [ang magkapatid ay nagdistansya] "Lisa, di ba sabi sayo nina Mom at Dad, wag mo kaming gagamitin sa mga experiment mo."
Leni: "Oo nga, tapos nang ginawa mo sa akin."
[Pumutol sa flashback nina Leni at Lisa kung saan nararanasan ni Leni ang side effects sa eksperimento ni Lisa. Ang kanyang mukha ay lumaki at dungisan]
Leni: "Parang may kakaiba sa mukha ko."
[tapos ang flashback]
Lisa: "Ah, ito ba? Nag-infuse na naman ako ng bioluminescent DNA ng Aequorea victoria jellyfish sa cookie. Tinawag ko itong Gloweos. Ayus nga eh, buti nga lumiwanag di ba?"
Lori: "Okay, lahat kayo lumapit kay Luan."
[ginawa nila ang sinabi ni Lori]
Luan: "Sabi ko na eh, ako yung liwanag ng iyong buhay." [tumawa ng tahimik habang ang ibang magkapatid ay hindi interesado]
Lincoln: "Okay, ang mabuti pa subokan natin ibalik ang kuryente."
Lori: "Teka, pagwala sila Mom at Dad, ako ang in-charge. Kaya naman, kailangan natin magbilang para tiyakin na narito ang lahat.
Lincoln: "One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten at ako, eleven lahat. Tama, nabilang na at wala naging kulang."
Lucy: "Nakalimutan mo ako."
[Sumigaw at nahulog sa sahig si Lincoln, pagktapos gulatin siya ni Lucy.]
Lincoln: "Kung pwede, aayusin ko nalang muna yung circuit breaker bago ako atakehin dito kay Lucy."
Lori: "Teka, ako ang in-charge. Ako na! Nasaan ba yung circuit breaker na sinasabi mo?"
Lincoln: "Nasa basement."


[Ang magkapatid ay umabot sa pinto ng basement. Ang silweta ni Lori ay tumingin sa kadiliman ng basement.]
Lori: "Bakit nga ako kailangan gumawa nito?"
Mga kapatid ni Lori: [kasabay ng pagalit] "Dahil ikaw ang in-charge!"
Lori: "Ah ganun, oh sige, halika Luan ilawan mo ako pababa."
Luan: "Yan ang pinakamaganda mo sinabi." [Tumawa at kinuha siya ni Lori. Pagkatapos, biglang nawala ang liwanag ni Luan. Ang natitirang magkapatid ay sumingap.] "Akala ko duwag ako maliwanag pero mukhang nagdilim na ako." [tumawa ng tahimik habang ang ibang magkapatid ay hindi interesado]
Lori: "Lisa, bigyan mo pa siya ng isang cookie, hindi kita isusumbong."
Lisa: [sa kanyang clipboard] Wala na, nag-iisa lang yun, prototype."
Lori: "Hay nako, magaling!" [narinig ng isang langitngit ng kahoy at sumingap sa takot] "May kuku na sa basement! Hindi ako bababa dyan!"
Lynn: [uyamin] "Ooy! Takot ka sa dilim!"
Lori: "Hindi ah! Baka ikaw ang takot dyan."
Lynn: "Hindi ako takot sa kahit na ano."
Lucy: "Boo."
Lynn: "AAH!"
[Habang halos lahat ng magkapatid na babae ay nagsimulang magtaltalan, ang magkambal ay nagsimulang manginig sa takot.]
Lana at Lola: "HINDI DIN KAMI PAPAPASOK SA BASEMENT!!!" [humihikbi]
Lincoln: "Ay, ano ba? Wala ng sapat pang oras lalo na kasi na...na..." [nag-hay] "...nag-aayus. ANO BA, TUMAHIMIK KAYO!" [tumahimik ang magkapatid] "Buti pa, hali kayo dito." [yinakap ang magkambal] "Okay lang, wala kayong dapat ikatakot. Poprotektahan kayo ng kuya niyo. Hindi lang yan! Lahat kayo ay poprotektahan ko! Dahil ako si Cadet Lincoln!" CADET LINCOLN "Isang tunay mag-aaral ng Academy ng Really Good Ghost Hunters! O ng...ARGGH!" ARGGH! [nagsuot ng night vision goggles at kinuha ang kanyang walkie-talkie] "Cadet Clyde, si Cadet Lincoln ito, saka ng plano, kailangan ko ng tulong mo."
[Pumasok si Clyde]
Clyde: "Cadet Clyde, reporting para mag-duty." [napansin si Lori at nawala sa sarili] "L-L-L-Lori?" [nagsimulang maging robot] "RED ALERT. RED ALERT. BAKIT NAGUGULOHAN AKO? CIRCUIT OVERLOAD. KAILANGAN KO MUNANG UMUWI." [lumabas]
Lincoln: [sa mga manonood] "Sabi ko sa inyo eh, nakakahiya." [naghanda sa pagpasok sa basement] "Pababa na ako ngayon sa isa sa pinakanakakatakot na lugar sa bahay namin: ang basement." BASEMENT "Pero okay lang, dahil sa opisyal kong ARGGH! na night vision goggles, pwede akong makakita sa dilim." [nagsimulang pumasok pero nadulas pababa sa hagdan at nawala ang kanyang walkie-talkie.]
Lori: "Lincoln, ayos ka lang?"
Lincoln: "Ang problema lang ang itong goggles 'to, wala naman talaga akong nakikita sa dilim eh. Ang maganda dito, sinalo ng malambot niyang bahagi ng mukha mula sa semento."
Luan: "Teka, mukhang may night vision setting 'tong kamera ko."
Lincoln: [sumugod pabalik pataas] "Ayos yan!" [kinuha ito] "Parang ganito yung mga kamerang ginagamit nila sa ARGGH! Pababa na ako."
Lori: "Sandali! Wag mong sabihin iiwan mo kami dito. Ibig kong sabihin, hindi namin hahayaan bumaba kang mag-isa dyan. Dapat sama-sama tayo, bilang grupo. Di ba?" [ngumising makiki-usap]
Lincoln: "Maganda yan, ako nang mauuna."


[Sa basement; si Lincoln ay gumagabay gamit ang kamera ni Luan]
Lincoln: "Wag kayong lalayo sa akin, dahil hindi natin masabi kung anong meron sa basement natin 'to."
Luan: "Parang hindi nakakatuwa 'to ah. Ayoko na rin magpatawa."
Leni: "May humawak sa kamay ko?"
Lynn: "Hawak mong sarili mong kamay."
Lori: "Ayoko sa mga basement."
[isang nakakatakot na tunog]
Lori: [sumingap] "Ano yung kumukulo na yun?!"
[Sumingap ang magkapatid na babae at si Lincoln ay tumingin sa kung saan nanggaling yung tunog.]
Lincoln: "Wag kayong matakot, mga tubo lang yun sa taas."
[isang pang nakakatakot na tunog]
Leni: "Anong ingay na yun?"[Sumingap ulit ang magkapatid na babae at si Lincoln tiningnan rin ito.]
Lincoln: "Wag kayong matakot, pusa lang yun."
[ginagamit ni Cliff ang scratching post niya at nag-ngiyaw]
Lynn: [tinakip ang kanyang ilong] "Ano yung amoy na yun?"
[Sumingap ulit ang magkapatid na babae at nakakita si Lincoln ng parang pamilyar.]
Lincoln: "Si Lily lang yun, puno kasi ang diaper niya."
[Hinahawa ni Luna si Lily at nadidiri sa kababatang niyang kapatid.]
Lily: [tumawa] "Poo-poo!"
Lincoln: "Kita niyo na, sabi ko naman eh, wala kayong dapat ikatakot."
[Isa pang nakakatakot na ingay ay narinig, na ikinagulat nina Lincoln at ang kanyang mga kapatid na babae.]
Lori: "Ano yun?!"
???:"Lincoln...LINCOLN..."
Lincoln: [natakot] "Mul-multong binabanggit aking pangalan."
[Lahat ng magkapatid na babae ay nagsimulang tumakbo sa paligid at bawat isa sa kanila maliban kay Lucy ay nagsisigaw.]
Lincoln: [tumapang] "WAG KAYONG MATAKOT MGA KAPATID KO!"[sinugod ang multo]
[Bumalik ang ilaw at ipinakit ito na si Lincoln ay umaatake sa tambak ng labahan.]
Lori: "Kalma ka na Lincoln, hindi multo yan kundi tambak lang ng labahan!"
[Si Lincoln lumabas mula sa tambak at ngumisi sa hiya; ipinakita din na ang tunog ay nagmula sa kanyang walkie-talkie.]
Clyde: [sa kabilang dulo] "Lincoln! Lincoln! Naririnig mo ba ako?"
Lincoln: [pinulot ang tawag] "Clyde?"
Clyde: "Pasensya ka na kung hindi ako naging mabuting cadet ng ARGGH. Nahiya kasi ako sa ate mo eh. Pwede ba siya makipag-date sa akin?"
Lori: "Hindi mangyayari yun!"
Clyde: "Ate Lori mo ba yun?!" [nag-robot] "RED ALERT. RED ALERT. AYOKO NA! HINDI KO NA KAYA! [binitaw ang tawag]
Leni: [nakasira ang kanyang mga mata] "Ano ba?! Wala pa rin akong makita!"
Lisa: "Buksan mo kasi ang mata mo."
Leni: [binuksan ang kanyang mga mata] "OY! HIMALA 'TO!"
Lori: "Ang mauuna sa TV ay tatanghalin couch commando."
Lincoln: "Pwede akong mauna sa kanila!"
[Nagmamadali si Lincoln sa sopa upang siya ay maging una at kumarera at lumampas sa lahat ng kanyang mga kapatid na babae; naka-abot siya doon at kinuha ang remote at i-turn on ang TV na naabot lang niya ay ang pagtapos ng kanyang palabas.]
Hunter: "WOW! Sa totoo lang, yan yata ang pinakamagandang episode ng ARGGH! sa lahat! Tiyak na magagalit ako kung hindi niyo napanood 'to!"
Lincoln: [na-shock] "HINDIIIII!!!" [nanangis] "Hindi ako pakakaniwala, hindi ko siya napanood..."
[Si Lincoln ay nagsimulang lumuha at ang kanyang mga kapatid na babae ay nakikita lahat kung gaano siyang kahirap-hirap at nagmalasakit para sa kanya.]
Lori: [binigyan siya ng popcorn] "Pasensya na kung hindi mo siya napanood."
Luan: "Pero may magandang naman nangyari, tingnan mo ito oh!" [Isinaksak ang kanyang kamera sa TV at ipinakita kay Lincoln ang na-rekord niya.]
[Napanood nila at inenjoy ang kanilang maliit na pakikipagsapalaran sa basement at masaya si Lincoln na aktwal na naranasan niya ang palabas sa halip na panoorin lamang ito.]
Lincoln: [sa mga manonood] "Alam niyo, hindi man ako nakapanood. Pero minsan hindi mahalaga nauuna ka sa lahat. Minsan mas mahalaga pa rin magkakasama kayong lahat."
Lucy: "Aba tama nga yan."
Magkapatid: [nagulat sa kanyang pagpakita] "AAAHH!!!" [tunog ng organong tubo]

Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.