FANDOM


Hindi opisyal na pangalan Ang pahinang ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang paksa na wala pang opisyal na pangalan.

Ang Manedyer ng Super Mart ay isang walang pangalan na pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Siya unang nagpakita sa "Cereal Offender", bilang isa sa dalawang hiwalay na antagonista, yung iba ay ang Bratty Kid.

Nagbalik siya sa "Intern for the Worse", bilang isa sa mga taong nag-aalok ng mga trabaho para sa mga bata ng paaralan sa kanyang tindahan.

Personalidad

Ang manedyer ay napakahigpit tungkol sa kaayusan ng kanyang tindahan at agresibong nagpapabatid sa kanyang mga kostumer na hindi niya tinatanggap ang mga taong nagdudulot ng problema. Sa "Cereal Offender", tinanong niya si Lincoln at ang kanyang mga kapatid na babae kung ano ang ginagawa nila bago sila gumawa ng anumang bagay na mali at sa kabila ng bagong dating pa sila, ibig sabihin na nakikita niya ang lahat ng mga kustomer bilang mga potensyal na manggugulo. Binantaan niya ang mga ito na nagsasabi na ipapaalis niya sila kung manggulo sila.

Nagagalit siya nang ang kanyang tindahan ay nagka-maraming kalat. Siya ay may isang pangit na ugali na tratuhin ang mga tao na hindi niya respeto na tulad ng basura.

Hitsura

Ang manedyer ay isang matangkad at mabigat na tao na may maitim na balat, itim na maikling buhok, at isang bigote. Nagsuot siya ng kulay-kremang shirt na may mahabang manggas, puting apron, pulang kurbata na may itim na spots, itim na pantalon, at mga morenong sapatos.

Tribya

  • Siya ay madalas na tumawag kay Bobby na "Booboo-Bear" (palayaw ni Lori), sa halip ng kanyang tunay na pangalan.
  • Siya ay katulad kay Glenn mula sa Kick Buttowski: Suburban Daredevil, dahil pareho silang masyadong mahigpit sa kaayusan at paglilinis sa supermarket kung saan nagtatrabaho sila.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.