FANDOM


Ang Plumbing Pro ay isang board game na pag-aari ni Lana, at ang kanyang paboritong board game.

Paglaro

Ang layunin ng laro ay alisin ang maraming mga piraso mula sa isang inidoro na walang gasgas sa mga gilid. Kung ginasgas mo nang dalawang beses ang mga gilid, talo ka. Ang manlalaro na nagtanggal ng pinakamaraming bagay mula sa inidoro ay panalo.

Kasaysayan

Ang laro ay unang nakita sa "Lynner Takes All". Pagod sa pananalo ni Lynn sa bawat board game, at nagpapasikat pagkatapos ng pagdiriwang ng 300 magkakasunod na panalo (at pagputok ng confetti na gawa sa homework ng kanyang mga kapatid), nagpasiya ang iba na maglaro ng isang laro na hindi pa kailanman nalaro ni Lynn, at madali nilang matalo siya. Pagkatapos ng pagkabigo ni Lola na matalo siya sa kanyang sariling laro, Pretty, Pretty Pageant Queen, sinaggest ni Lana ang larong ito. Nagasgas ni Lynn ang gilid ng isang beses, at matatalo siya kung magasgas ito muli. Lumabas siya upang gumawa ng ilang mga push-up, at mabawi ang kanyang kumpiyansa. Nang bumalik siya, madali niyang inalis ang bawat bagay na nasa inidoro, at nanalo. Pagkatapos nito, sinira ang prop ng inidoro, kaya malamang na ang laro ay hindi malaro sa puntong iyon.

Tribya

  • Ang laro ay katulad sa estilo sa Operation.
  • Ang disenyo nito ay batay sa Toilet Trouble.


T - U - B Mga Bagay
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.