FANDOM


Si Pucker Uppenheimer ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Si Pucker ay isang sikat na mang-aawit ng musikang rock, at ang nangungunang mang-aawit ng bandang SMOOCH. Si Lincoln, Luna, at Clyde ay malaking tagahanga niya.

Siya ay unang nagpakita sa "For Bros About to Rock". Siya at ang kanyang banda ay pumunta sa Royal Woods Mall para sa isang konsyerto, at tinulungan nina Lincoln at Clyde sa pagiging unang konsyerto nila. Sa pagtatapos ng episode, sa tulong ni Luna, nakaabot ng mga bata ang front side ng stage kasama si Pucker at iba pang mga miyembro ng SMOOCH, at makuha ang kanilang pinakamahusay at hindi malilimutan na unang konsiyerto.

Ang kanyang ikalawang pagpakita ay sa dulo ng "Yes Man", nang nakakakuha siya ng tawag mula sa mga kapatid ni Lincoln para makakita ng personal ni Lincoln ang SMOOCH, ngunit ang higanteng gagamba ni Lisa mula sa VR simulation ay nagtakot sa lahat nang nag-crawl ito sa bahay at papunta sa bubong.

Hitsura

Si Pucker ay isang payat na lalaki, may puting balat, at mahabang buhok. Ang kanyang rock attire ay binubuo ng pulang tank top, itim na vest, itim na pantalon, at mga itim na platform na bota na may tatlong puting pako sa bawat isa. Gumagamit siya ng pulang lipstick, mga maliliit na itim na hikaw, at may itim-at-pulang pulseras sa bawat braso.

Tribya

  • Kahit na ang kanyang pangalan ay hindi kailanman nabanggit sa "For Bros About to Rock", siya ay nakalista sa mga kredito bilang "Pucker Uppenheimer".
  • Ang kanyang pangalan ay isang pun sa pariralang "pucker up".
    • Ito ay isang reperensya ng simbolo ng SMOOCH , na kung saan ay dalawang pulang kulubot na labi.
  • Ang kanyang apelyido ay maaaring maging isang reperensya sa isang scientist, at isa sa mga miyembro ng Manhattan Project, si J. Robert Oppenheimer.
  • Ang kanyang mga hikaw ay katulad ng nina Carol at Maggie.


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.