FANDOM


Si Sam Sharp[1] ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Hitsura

Siya ay may dilaw na buhok, na may isang streak na asul, apat na pares ng mga pilikmata, at may dalawang piercing sa bawat tenga.

Nagsusuot siya ng puting shirt, na may simbolo na may pagkatulad sa logo ng The Who, isang maputlang asul na katad na dyaket, na may isang bungo sa likod, kulay-borgonya na napunit na maong, na hinahawak pataas ng isang itim na dekoradong sinturon, at mga madilim na purpurang bota na tulad ng kay Luna.

Mga pagpakita

Season 2

Season 3

Tribya

  • Ayon kay Kevin Sullivan, sa panahon ng kanyang unang pitch ng "L is for Love", pinangalanan si Sam na Max, na isang pangalan din na unisex.
  • Salungat sa popular na paniniwala, hindi pinangalanan si Sam pagkatapos ng manunulat na si Sammie Crowley, gaya ng sinabi ni Kevin Sullivan na nais niyang magkaroon ng isang pangalan na maaaring gamitin ng mga lalaki at babae, na magdudulot ng pagkalito sa kung ano ang tunay na kasarian ni Sam.
  • Pagkatapos kay Tabby, si Sam ang ikalawang karakter na may isang streak sa kanyang buhok.
    • Nagkataon, pareho silang kaibigan ni Luna.
  • Tulad kay Luna, nagsusuot siya ng mga purpurang bota, ngunit mas maikli at bahagyang mas madilim.
    • Ginagawa rin ito na siya ang ikalawa sa mga crush ng magkapatid na magkaroon ng higit sa isang pagpakita, pagkatapos kay Chaz, na nagpakita sa "Party Down".
  • Ayon kay Kevin Sullivan, si Sam ay may magkakaroon ng malaking tungkulin kasama si Luna sa isang episode na itinakda sa 2019.
    • Bilang karagdagan, sinabi ni Sullivan na si Sam ay magpapakita sa bagong komiks ng Loud House, at podcast ng Listen Out Loud.[2]
  • Kinumpirma ng Live Life Loud! na ang apelyido ni Sam ay Sharp.
    • Kinumpirma rin ng libro na meron siyang kapatid na lalaki, na nagngangalang Simon.
    • Inihayag din sa libro na sina Luna at Sam ay magkaklase.

Reperensya

T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.