FANDOM


Stub Ang pahinang ito ay isang stub. Mangyaring tulungan ang Wiki ng The Loud House sa pagpapalawak nito. Salamat!

Ang Sunset Canyon Retirement Home ay isang tahanan ng pagreretiro na matatagpuan sa Royal Woods. Ito ang kasalukuyang tirahan ng lolo ng magkakapatid na Loud na si Albert.

Kasaysayan

Ito ay unang nakita sa "The Old and the Restless", kung saan dumating si Lincoln upang bisitahin ang lolo niya, at nalaman niya na ito ay pinapatakbo ng labis na mahigpit na nars na si Sue. Nagtakda siya ng mga mahigpit na panuntunan para sa mga naninirahan, at mayroon siyang curfew, kung saan kung sila ay nasa labas pagkatapos ng 6 PM, sila ay di na pwede manirahan.

Nang nagpunta sina Lincoln at Albert para magsaya sa labas, sila ay nagmadali lamang upang malaman na sila ay huli na, at si Sue ay nag-lock na. Ngunit ang mga kaibigan ni Albert ay tumanggi na hayaan siyang mapaalis, at si Sue ay atubili na hayaan si Albert na manatili, at hininto ang pagtrato sa iba tulad ng maliliit na bata, at pinapayagan silang gawin ang nais nila sa paligid ng tahanan.

Sa "Insta-gran", ang bagong kasintahan ni Albert na si Myrtle ay naging isang residente.

Sa "Fool Me Twice", si Luan ay nagsilbi bilang aliwan sa mga residente ng Sunset Canyon Retirement Home sa oras na ang iba pang miyembro ng pamilyang Loud ay gumagawa ng isang plano upang hindi sila ma-prank sa April Fools' Day.

Sa "Ruthless People", nang Loud house ay nagka-anay, ang pamilya ay napilit na pumunta sa kay Tiya Ruth, o kay Pop-Pop. Matapos ng ilang pagkakumbinsi, nakuha nina Lincoln, Lori, Luna, Lynn, Lola, at Lynn Sr. ang retirement home upang makibahagi sa mga karangyaan, ngunit ang lahat ng magagandang bagay ay hindi magagamit, ang pool at shuffleboard court ay sarado, ang pagkain na hindi masarap, ang paghihigpit sa iskedyul, at ang nasirang bentilasyon. Nang ipinahayag ang ibang miyembro ng pamilya ay nagkakasiyahan sa lakehouse ni Tiya Ruth, ang pamilya ay gumawa ng mga deal muli upang lumipat ng mga lugar, ngunit ang lugar ni tiyahin Ruth ay naging masamang desisyon, tinawag ng pamilya ang iba upang makita sitwasyon nila, ngunit ipinahayag na ang retirement home ay nagrenta ng isang cruise, dahil sa sirang AC, ito ay ikinagalit nina Lincoln, Lori, Luna, Lynn, Lola, at Lynn Sr. na ang ibang miyembro ay nagkakasiyahan pa rin.

Mga pagpakita

Empleado

Mga residente

Tribya

  • Ang rule kung saan ang isang residente ay maaaring mapaalis sa nursing home dahil sa 6:00 curfew ay 'di makatotohanan. Sa totoong buhay, ang mga residente ay napipilitang manatili sa nursing home at kung 'di makaabot sa kanilang curfew, ay ibabalik sila.
  • Ayon kay Albert sa "Ruthless People", sinabi niya na ang mga pagkain ay tumigil sa paggamit ng asin dahil sa isang mataas na epidemya ng presyon ng dugo na nangyari noong 2013.


T - U - B Mga Lugar
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.