FANDOM


Paglilinaw Ang pahinang ito ay tumutukoy sa seryeng pangtelebisyon, kung hindi ito ang pahinang hinahanap mo, mangyaring tingnan ang disambigwasyon.
Stub Ang pahinang ito ay isang stub. Mangyaring tulungan ang Wiki ng The Loud House sa pagpapalawak nito. Salamat!


Ang The Loud House ay isang Amerikanong animasyong pangtelebisyong na nilikha ni Chris Savino at prinodyus ng Nickelodeon Animation Studio para sa Nickelodeon. Ang serye ay inspirasyon ni Savino sa sariling "magulong buhay na lumaki sa isang malaking sambahayan", at sumusunod sa isang batang si Lincoln na nakatira sa bahay kasama ang kanyang sampung kapatid na babae: si Lori, Leni, Luna, Luan, Lynn, Lucy, Lana, Lola, Lisa, at Lily.

Apat na season ng palabas ay na greenlit na may 26 episodes bawat isa. Ang serye ay inilunsad noong Mayo 2, 2016.

Ang pangalan ng serye ay isang pun sa pariralang "loud house", na nangangahulugang isang maingay na bahay, at isang reperensya din sa palaging gulo ng pamilyang Loud. Ito ang unang cartoon na nilikha at sa direksyon ni Savino, tulad ng iba pang mga cartoon na trinabaho niya, siya lamang ang prodyuser, o storyboard artist.

Brodkast

Ito ang nag-ere noong Oktubre 9, 2017 sa Pilipinas sa Yey! (Isang Digital sub-tsanel ng ABS-CBN) hanggang Mayo 4, 2018, pinalitan ito ng SpongeBob SquarePants sa Mayo 7, 2018, ito ay ibinalik sa ere sa ikalawang beses noong Disyembre 31, 2018 hanggang Hunyo 28, 2019, pinalitan ito ng Fanboy & Chumchum sa Hulyo 1, 2019, ito ay babalik sa ere sa ikatlong beses sa Marso 16, 2020 hanggang sa huling nag-ere noong Hunyo 30, 2020 dahil napatigil ang operasyon ng Yey! noong Mayo 5, 2020 kabilang din ang mga ABS-CBN digital channels (Jeepney TV, Asianovela Channel, CineMo!, Yey!, TeleRadyo at KBO) dahil sa isyu ng alias "Cease and desist order" mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ang dub ay nag-ere ito noong Disyembre 8, 2019 sa ABS-CBN 2 hanggang sa huling nag-ere noong Mayo 3, 2020, dahil napatigil ang operasyon ng ABS-CBN 2 noong Mayo 5, 2020 dahil sa "Cease and desist order" mula sa National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa na-expired ang prangkisa ng network.

Status

Sa Yey!, Ang dub ay napahinto sa ere, dahil sa pagtigil ng operasyon ng Yey!.

Sa ABS-CBN 2, Ang dub ay napahinto sa ere, dahil sa pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN 2.

Timeslot

Dati

Yey! timeslot

Mula Oktubre 9, 2017 hanggang Mayo 7, 2018, ang mga timeslot para sa palabas ay 10:30 AM hanggang 11:00 AM at 10:00 AM hanggang 10:30 AM (para sa replay) sa mga karaniwang araw.

Mula Disyembre 31, 2018 hanggang Hunyo 28, 2019, ang mga timeslot para sa palabas ay 12:30 PM hanggang 1:00 PM at 12:00 PM hanggang 12:30 PM (para sa replay) sa mga karaniwang araw.

Mula Marso 16, 2020 hanggang Hunyo 30, 2020, ang mga timeslot para sa palabas ay 11:30 AM hanggang 12:00 PM at 11:00 AM hanggang 11:30 AM (para sa replay) sa mga karaniwang araw..

ABS-CBN 2 timeslot

Mula Disyembre 8, 2019 hanggang Mayo 3, 2020, ang timeslot para sa palabas ay 8:50 AM hanggang 9:15 AM tuwing linggo.


Deskripsyon sa Yey!

"Ang batang si Lincoln Loud at ang kanyang sampung kapatid na babae ang makakasama natin sa masaya at magulong mundo ng the Loud House."

Bidyo

Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.