FANDOM


Si Prinsipal Wilbur T. Huggins ay isang pangatlong karakter ng The Loud House.

Biograpiya

Siya ang prinsipal ng paaralan ni Lincoln, at unang nabanggit siya sa "Making the Grade", ngunit gumawa ng kanyang pisikal na debu sa "Frog Wild".

Maagang buhay

Bilang isang bata, siya ay isang malungkotin na batang lalaki na walang kaibigan. Sa halip, mayroon siyang Ace Savvy komiks, na ipinagsaya niya, sa kabila ng malupit na kritisismo na nakuha niya mula sa tatlong batang lalaki na naglalaro ng beysbol sa malapit. Nais niyang gumawa ng kanyang sariling komik at makilala ngunit nabigo siya, kaya nagpokus siya sa pag-aaral. Nagtrabaho siya nang husto at naging titser at mamaya ay isang prinsipal ng kanyang eskwelahan.

Personalidad

Sineseryoso ni Wilbur ang kanyang tungkulin bilang isang prinsipal ng eskwelahan. Napakahigpit siya sa mga tuntunin ng eskwelahan, at maaaring maging intimidante siya sa ilang estudyante.

Ngunit bukod nito, siya ay may pambatang saloobin, ito ay ipinakita sa kanyang gusto sa pagbasa ng Ace Savvy komiks, sa kabila ng kanyang edad.

Kapag seryoso o nagagalit si Huggins, sinasabi niya sa isang tao na gagawa siya ng isang bagay para sa kanilang kapakinabangan, para lamang tanggihan ang mga ito sa isang segundo.

Hitsura

Siya ay isang kalahating kalbong matandang lalaki, na may buhok na kulay-abo, at kulay-abong bigote. Nagsusuot siya ng puting t-shirt, isang madilim na kulay-asul na jacket, isang sanggol na asul na kurbata, mga morenong sapatos, at mga beis na pantalon na may kasamang itim na sinturon.

Bilang isang bata, dati mayroon siyang kulot na morenong buhok, pekas at mga ngiping kuneho na may mga tirante tulad ng mga ngipin ni Luan. Dati siyang nakasuot ng asul na shirt na may puting strayps, asul na maong, at may suot din ang isang eliseng sumbrero.

Alter-ego

Pangunahing pahina: Wild Card Willy

Mga pagpakita

Season 1

Season 2

Season 3

Tribya

  • Siya ay isang malaking tagahanga ni Ace Savvy.
  • Wala sa mga episode ng kanyang pagpakita ay sa direksyon ni Chris Savino.
  • Nanalo siya ng isang award para sa perpektong attendance noong 30 taon bago kay Clyde, nang ipinahayag ito sa "Absent Minded".


T - U - B Mga Karakter
Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.